RAGE'S POV Tumayo na ako nang matapos ang pag-uusap namin na dalawa ng aking ka-meeting. At kahit na minadali ko ang aming meeting namin na dalawa ay na-close deal ko naman. Of course, I am Rage Montenegro after all. Inilahad ko naman ang aking kamay sa kanya. "It's been a pleasure working with you, Mr. Valdez," wika ko sa kanya. Tinanggap niya ang aking pakikipagkamay. "The pleasure was all mine, Mr. Montenegro," wika din niya sa kanya. "I'll send the contract to your email once I'm done," wika ko sa kanya. "I'll wait for it," wika naman niya sa akin. Nagpaalam na siya. Nang tumango ako ay humakbang na siya paalis sa restaurant kung nasaan kami. Sa halip naman na umalis din ay bumalik ako mula sa aking pagkakaupo at tinawag ko ang atensiyon ng waiter. At nang makalapit siya ay sinabi kong o-order ako, take out. Pagkatapos ay tiningnan ko ang aking wristwatch na suot. "Make it fast," dagdag ko pa. "Okay, sir," sagot naman niya sa akin. Hinintay ko naman ang aking order
Read more