ELISA'S POV "Elisa?" Mula sa screen ng aking computer ay nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. At hindi ko napigilan ang manlaki ng mga mata nang makita ko kung sino ang tumawag sa aking pangalan. Pero nang makabawi ako mula sa pagkabigla ay sumilay ang ngiti sa labi ko. "Jasper," sambit ko sa pangalan niya. Si Jasper kasi ang nasa harap ko at siya ang tumawag sa aking pangalan. Sumilay nga din ngiti sa labi niya. "It's really you," wika niya sa akin. "What are you doing here, anyway?" mayamaya ay tanong niya sa akin. "I'm Rage's temporary secretary," sagot ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagsasalubong ng mga kilay. "Where's Rage's secretary?" tanong niya sa akin. "Nag-file daw ng leave. Babalik sa susunod na buwan," sagot ko. Iyon kasi ang sinabi sa akin ni Rage ng minsang tanungin ko siya kung nasaan ang secretary niya. Sinabi niya sa akin na may importante daw na pupuntahan ang secretary niya. Napansin ko lalo ang pagsasalu
Read more