ELISA'S POV Muling tumunog ang aking cellphone. At nang damputin ko iyon ay nakita kong si Rage na naman ang tumatawag sa akin. "Hello, Sir Rage?" tanong ko ng sagutin ko ang tawag niya. "What did I tell you, Elisa?" "Sir?" “Don’t call me ‘Sir.’ I want you to call me Rage," pagpapaala niya sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi naman ako nakasagot agad. Hindi ko nga din napigilan ang mapaisip kung bakit gusto niyang tawagin lang siyang Rage. Gusto ko nga siyang tanungin bakit biglang nagbago ang isip niya at iyon na ang gusto kong itawag sa kanya pero hindi ko magawang itanong. "S-sorry, Si--Rage," wika ko na lang. "That's good, Elisa," wika niya. "Napatawag po pala kayo?" mayamaya ay tanong ko. "May ipag-uutos kayo?" "Yes," sagot niya sa akin. “I want you to clear my schedule at 3 p.m," wika niya sa ipag-uutos niya. Napatingin naman ako sa schedule niya ng alas tres. Nakita kong may meeting siya kay Mr. Dela Cruz. "Re-schedule ko ba ang meeting niyo kay Mr. Dela Cru
Read more