登入Samantha's POV Kinusot ko ang mga mata upang kumpirmahin kung tama ba 'tong nakikita ko o pagkakamali lang. Subalit, wala namang depekto itong paningin ko upang magkakamali sa ngayon. "Y-Yvren? I-ikaw si...ikaw si Mr. Crownwell?" Hindi makapaniwalang bulalas ko sa hangin. Hindi ko magawang alisin ang paningin sa kanya habang nasa harapan siya ng mikropono. He's confident and very different sa Yvren na nakilala ko sa unang beses pa lang. I mean, the way he talked, the way he pose, tila siya ay kakaibang tao. Na para bang itong conference para orientation speech ay simple lamang na aktibidad para sa kanya lalo at mga native Americans ang kanyang kaharap. Did I even missed the spot? Ang malalim na klase ng pananalisiksik bago ako diretsong sumabak sa labanan dito sa Crownwell? O kahit ang mga ginagawa ko sa kanya na akala ko ay normal lang pero hindi naman pala. Ngumiwi ako dahil sa mga naaalala kong kahihiyan.
Samantha's POV Maingat ang kanyang pagmamaneho. Habang nakapokus ang mga mata niya sa daan ay ibinigay niya sa akin ang isang makapal na book guidelines kaya'y binuklat ko iyon. He even know that I'll be assigned to the processing department. Siguro dahil bagong empleyado ako, alam niya marahil kung saan ako nakadestino. At ito ang paraan niya upang gabayan ako sa dapat na gagawin. "That will be considered as your informational guide since malaking cosmetics company ang Crownwell. You have to familiarize every detail of it para hindi ka maligaw." Tumango ako. Nakatingin sa booklet ay nagtanong ako. "Saang department ka pala kabilang, Yvren?" "I'll be assigned for checking up the products along with my team. Marami kasi sa mga kliyente ang nagdedemand ng due process ngunit dahil palaging tambak ang trabaho, nakapagdesisyon ang may-ari na gumawa ng bagong department at 'yon ay ang team na kinabibilangan ko. So that would mean
Samantha's POV Lunes nang umaga, alas kwatro pa lang ay gising na ako. Nakita kong ipinagsisikan ni Yvren ang katawan niya sa isang mahabang sofa. Dito siya nahiga kagabi pa lang. Dahil may kalakihan ang kanyang katawan, pahirapan para sa kanya na gupuin ang buong espasyo nang hindi mahuhulog sa lapag. Nilapitan ko siya. Marahang tinapik ang pisngi. Agad naman siyang nagising, tinitigan ako gamit ang inaantok na mga mata. "Anong oras na't ang aga mo yatang nagising?" Sinipat niya ang relong-pambisig. "Alas kwatro pa lang naman, come on, matulog ka uli." His voice was deep and husky. Halos ibinulong niya lang sa hangin ang mga salita ngunit klaro ko namang narinig. "Lunes na Yvren. Kailangan kong magpakita sa Crownwell Luxe International Cosmetics Company. I have to prepare a lot of—" "You need not to prepare," hinawakan niya ako sa braso. Hinila palapit sa kanya at niyakap ang baywang ko. "Your presence will
Samantha's POV Bandang alas dyes nang gabi nang biglang sumakit na naman ang tiyan ko. Napahawak ako nang mahigpit sa kaliwang bahagi ng kama upang doon kumuha ng suporta. Umupo ako, tumayo ngunit ganoon pa rin. Hindi ko alam kung bakit biglaan. Namimilipit ang sakit niyon na parang may kung anong mabibiyak sa loob. Dahan-dahan akong bumangon at hinanap ang sapin sa paa. Maingat kong ihinakbang ang mga binti habang ang kanang kamay ay nakahawak sa pader na madaanan samantalang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa tiyan ko pababa. "Please baby, kumapit kang mabuti. Maawa ka kay mommy." Mahina at hikahos kong bulong. Pinagpapawisan rin ako nang labis kahit na sapat naman ang hangin na inilabas ng air-conditioner. Hindi ko sinadyang masagi ang plorera na nakapatong sa maliit na lamesa kaya'y bumagsak iyon sa sahig at mabilis na nabasag. Awang ang bibig ko at hindi napigilang gumulong sa sahig. Umuun
Samantha's POV Pagkatapos niyang ayusin ang kubrekama ay ang mga unan naman ang napagdidiskitahan niya. He even checked the things I brought from Philippines and nodded by himself and seems satisfied with what he saw nang lingunin niya ako. Ang mga mata niya ay kakaiba sa nakasanayan ko. "Ang closet at wardrobe mo ay sapat lang para sa kagamitan mo at ni baby," humakbang siya palapit. Hinawakan ako sa tiyan or more likely to say, pinakiramdaman niya ang bata sa loob. Ang hindi ko inaasahan ay ang ngiti sa labi niya na bago lang sa paningin ko. Saka niya inangat ang tingin sa'kin. "He's having a bump now. I'm excited to see him. I'm excited to be his father." "Yvren. Hindi ako pumapayag sa—" "Alam ko pero hayaan mo lang ako, Samantha. Masaya akong suportahan ka at ang anak mo." Tinapos niya ang ginagawa. Sinuri niya pa ang air-conditioner kung gumagana ba 'yon. Hindi ni Yvren kailanman nakalimutan ang kapakana
Samantha's POV Nang siya'y makaalis ay siya namang pagdating ni Minerva. Nakita niyang nahihirapan akong ayusin ang pagkakaupo kaya'y pagkatapos niyang ibigay sa'kin ang tubig ay inayos niya ang pagkakasandal ng likuran ko sa headboard ng kama. Itinama niya rin ang saktong pwesto ng unan sa likuran ko bilang suporta para hindi ko mararamdaman ang sakit. "Okay na naman ba ang pakiramdam mo ngayon, hija?" Naupo siya sa kaninang inuupuan ni Yvren. Hinawakan niya ako sa kamay. Malambot ang kanyang ekspresyon na nagtanong, "nasaan pala ang asawa mo, kung hindi mo lang mamasamain, Samantha? I mean, my son, Yvren was right. Delikado para sa buntis ang bumyahe nang mag-isa." Wala sa sariling iniyuko ko ang ulo. Nagsimula na namang manumbalik sa alaala ko si Adrian at Celestina na magkasama sa ospital. Kumirot ang puso ko sa eksenang iyon. Ni hindi man lang ni Adrian naramdaman ang presensya ko habang nakatago sa pade
Samantha's POV Nangangapa si mama ng sasabihin. Nakita ko kung paano nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa papel. Masaya akong sabihin na alam ko na ang kasunod na mangyayari. Niyakap niya ako nang mahigpit. Luhaan siyang hinawakan ako sa kamay at sinabing kung gusto ko naman ay sunggaban
Samantha's POV Hawak ko ang sobre sa kamay. Kabado akong pinunit ang dulo niyon upang mabuksan ang nilalaman ng mensahe sa papel. Humugot ako ng malalim na hininga. Narito ako sa kwarto ko habang si Adrian ay tino-tour pa ni papa sa buong kwarto ng maliit naming bahay-kubo. Nangangapa ako kung a
Samantha's POV Lungkot ang nararamdaman ko sa boses ni papa. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko mula sa kanya ang sitwasyong ganito. Punuan kasi ang karinderya at hindi kailanman iyon na-bakante. Saksi ako roon dahil iyon na ang sandalan namin sa pang-araw-araw kung pabalik-balik sa paaralan
Samantha's PO Sandali siyang nanahimik bago magsalita. "Pinapamukha at pinapakita ko lang sa'yo kung saan ka ba dapat na lumugar, Samantha. Look," iminuwestra niya ang kamay sa paligid. Ang mamahaling chandeliers, ang mga mayayamang tao na masayang naghahapunan sa paligid. Nakita ko na ang gusto







