LOGINThis book is a work of fiction. While it utilizes the backdrop of Philippine politics and governance, liberties have been taken with existing constitutional laws for narrative and creative purposes—specifically the age requirement for the presidency, which has been lowered to the 30s for the character of Lisandro Altagracia. Any political entities, scandals, and characters depicted do not represent real-world figures or actual government offices.
— inksigned
“I want you to closely look into this…”Kahit pikit ako, alam kong boses iyon ni Lisandro. Sinubukan kong unti-unting magmulat at nakita ko siyang nakapamulsa habang nakatayo malapit sa bintana. He was on a phone call.Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Nasa palasyo ako? Nanaginip lang ba ako na sinuntok ako ng demonyong Cedrick na ’yon?“You’re awake.”Boses ni Lisandro iyon kaya agad akong gumalaw para sana tumayo. Pero mabilis akong napabalik ng higa nang maramdaman ang kirot sa sikmura ko. Tang-ina… totoo ngang sinikmuraan ako ng hayop na ’yon! Papatayin niya talaga ako!Saka nahagip ng paningin ko ang swero na nakakabit sa akin.“I…” simula ko pero hindi ko alam paano ko iyon ipapaliwanag kay Lisandro.Before I could even find the excuses, he sat just right beside me. “Do you know what strings I pulled to erase the evidence of you and that bastard?” he whispered.Sobrang lalim ng dating n’on na halos magpatindig ng lahat ng balahibo ko. Buhay ka nga, girl. Pero mukhang dito ka na
Pagpasok pa lang namin sa Grand Hall, agad akong nilamon ng nakakasilaw na liwanag ng naglalakihanb chandelier at ng sunod-sunod na flash ng camera. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Lisandro. Sa gitna ng napakaraming tao, agad kong naaninag ang pamilyar na anino. Sa kabilang bahagi ng hall, nakatayo si Cedrick. Nakatuon ang paningin niya sa amin—o mas tama, nakatuon ang paningin niya sa akin.Putsa. Ramdam ko ang pag-init ng lalamunan ko. Sa bawat paghakbang namin, para akong hinuhubaran ng mga mata niya. I knew what he wanted: the documents. And he was watching to see if I had the guts to do it."Stay close," bulong ni Lisandro sa gilid ng tenga ko. Sinadya niyang hinaan iyon para ako lang ang makarinig.Nilingon ko siya, at napansin ko ang paggalaw ng panga niya. Busy siya sa pakikipag-usap sa mga foreign dignitaries, nakangiti nang pormal at sumasagot sa bawat tanong, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Paminsan-minsan, nakikita ko ang mabilis niyang sulyap sa kamay
Natapos na ang palugit ni VP Cedrick na dalawang araw kaya tadtad na rin ang missed calls at text messages ng demonyong lalaking ’yon! Ayokong masangkot sa anumang katiwalian ang plano niya, pero ayoko rin namang pagdudahan ninuman ang bawat kilos ko. Kung hindi makulong, ay baka oumanaw ako ng maaga sa gulong pinasok ko.Pabalik-balik ako sa loob ng kwarto ko habang wala sa sariling kinakagat ang hinlalaki ko.Bwisit! Padabog akong sumalampak sa kama bago napabaling sa maletang nasa tabi pa rin ng side table.Kunin na lang kaya kita, at umeskapo na lang ako? Tiningnan ko yun na parang anumang oras ay maiintindihan nito ang hinaing ko.Oo! Para ipahuli ka rin ni Lisandro.Nagpapadyak ako saka ibinagsak ang sarili pahiga sa kama. Ang hirap maging alipin sa salapi!Maya-maya pa ay may mahinang katok sa kwarto ko. “Ate…” Boses ni Wendy iyon.Mabilis na tumayo ako saka binuksan ng bahagya ang pinto, nilingon ko ang hallway. Walang guards kaya agad ko siyang hinila papasok sa loob.“Sabi k
"I'm leaving for the pre-summit briefing. Stay inside and don't cause any trouble here," bilin niya sa akin bago hinalikan si Lindsay na kasalukuyang kumakain ng kaniyang pancake. Naglakad si Lisandro palabas ng dining area kasama ang sandamakmak niyang PSG.Nang makalabas sila, doon lang ako nakahinga nang maluwag. "Siraulo talaga," bulong ko habang pinupunasan ang labi ko.Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natapos ang almusal ko habang binabantayan si Lindsay hanggang sa ihatid siya ng yaya sa kaniyang playroom. Mag-isa na lang akong naglalakad sa hallway ng palasyo habang lutang na naman ang isip, nang biglang sumulpot sa harap ko ang isa sa mga PSG."Madam First Lady," seryosong bati ng guard na bahagyang nakayuko. "May naghahanap po sa inyo sa gate ng service entrance. Isang babae. Ayaw pong umalis dahil may kailangan daw pong iabot sa inyo nang personal."Napakunot ang noo ko. "Sino raw?""Wendy daw po, Madam."Tangina. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Mabilis pa sa al
"I'm waiting, Maggie," malamig na dugtong ni Lisandro nang hindi ako sumagot. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa binti ko, at kulang na lang hatiin ako sa tindi ng titig niya. "Imposibleng hindi ko mapansin ito sa'yo noon. Is this a birthmark?"Puta, Kare!Nag-panic nang husto ang utak ko. Literal na parang may mga gears na mabilis na umikot sa ulo ko para mag-imbento ng kasinungalingan.Bahala na!"A tattoo!" Bulyaw ko sa kaniya saka ko mabilis na inilayo ang binti ko mula sa pagkakahawak niya.His forehead knotted. Mas lalong nagtagpo ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Tattoo? Red heart-shaped tatto? Since when did you like such art?""Nung naghiwalay tayo!" Mabilis kong sagot na agad kong pinagsisihan dahil lalong umigting ang panga nya. "Just a love yourself thing." Dagdag ko pa.Tang ina! Anong love yourself yan, Karenina?!Halos mapapikit ako sa kabobohan ko, habang si Lisandro naman napatigil lang. Literal na napako ang tingin sa akin. Tiningnan niya
“Hmm…” ungot ko saka tinampal ng bahagya ang tenga ko dahil sa kung anong insekto ang dumapo. Ang sarap-sarap ng tulog ko pagkatapos kong mapatulog si Lindsay, kaya naman bwisit na bwisit ako sa kung anong nangingiliti sa balat ko.Maya-maya napasimangot ako nang may bumulong doon, binugaw ko ulit iyon. Humilig ako patagilid saka hinigit ang kumot. Pero tuluyan na akong napamulat nang biglang may basa na lumapat sa tenga ko!Napaigtad ako sa isip na baka minumulto na ako. “Jesus Christ—”“I told you I will wait for you here,” mabilis na bulong ng kung sino sa tabi ko.Mabilis kong nakilala ang boses na 'yon, kasabay ng brasong pumulupot sa baywang ko. Napalingon ako sa paligid habang mabilis ang tibok ng dibdib ko. Puta, wala na pala ako sa kwarto ni Lindsay. Ang huling alaala ko ay nakahiga ako sa tabi ng bata, pero ngayon ay nasa sariling kama ko na ako.Binuhat niya pa talaga ako pabalik rito sa kwarto ko? This man must be really crazy!Iniwas ko ang tingin sa kanya. “H-hindi naman
Hindi maalis ang tingin ko sa kamay namin na magkahawak na naman. He even waved to his supporters before he guided me inside the limo. Shit... ang angas ng sasakyan! Galing kaya sa kaban ng bayan 'to?Mabilis kaming inalalayan ng mga PSG at agad kong inalis ang kamay ko sa kanya pagpasok pa lang s
Dahan-dahang humarap sa akin si Lisandro. Nanatiling matigas ang ekspresyon ng mukha niya, pero ang mga mata niya, may kung anong nagbabadyang laro.Sige… subukan mo lang.At talagang inilapit pa niya ang mukha sa akin. Unti-unti hanggang sa halos maramdaman ko na ang hininga niya!Seryoso ba siya?
Labing-limang minuto.Iyon lang ang ibinigay sa aking oras ni Mr. President para ihanda ang sarili ko sa pinakamalaking pambubudol sa kasaysayan ng bansa.“For God’s sake loosen your shoulder! You’re too stiff,” mariing bulong ni Cynthia habang pilit na hinahatak pababa ang balikat ko. Pumasok sila
Halos malaglag ang panga ko nang mapagmasdan ang sarili ko sa salamin. Tang-ina… ang ganda ko pala kapag naayusan? Biglang sumulpot sa repleksyon si Wendy, ang bunso kong kapatid. “Ate… babae ka pala?” tudyo niya habang hindi maalis ang tingin sa suot kong Filipiniana gown. “Ang mahal siguro nit







