Hindi na maalala ni Lorraine kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Siguro noong bata pa siya, noong wala pa siyang iniisip na trabaho. Noong hindi pa umiikot ang mundo niya sa lesson plans, quizzes, attendance sheets, at mga batang kailangang pagsabihan na huwag magtakbuhan sa hallway.Siguro noon.Ganito nga siguro yong tinatawag nilang adulthood. Yong parang puro trabaho na lang ang iniisip mo. Hindi nakakatuwa pero wala ka rin namang choice kundi magtrabaho kasi kailangan mo ng pera.Pero ngayon, sobrang saya niya. Hindi man lang niya naisip na teacher siya ngayon. Pwede naman sigurong magsaya muna siya diba? Break from work muna, parang ganon. Dahil sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging bata.At kasalanan iyon ni Tyron.Tinitigan niya ang salarin kung bakit siya nandito. Wala ring mapaglagyan ang tuwa nito ngayon. Kung gaano siya kasaya ay parang mas double ang tuwa na nararamdaman ni Tyron.Pagkababa nila mula sa carousel ay hindi pa rin nawawal
Read more