NEAHS’ POVMabilis na lumipas ang mga araw. Nakaharap na ako ngayon sa salamin ko para tingnan ang sarili ko. Naglagay na rin ako ng light make-up. Isang oras na lang magsisimula na ang company anniversary ng Sy Group International. Hindi ako masusundo ni Dave ngayon dahil kailangang sabay sila ni Cassandra na pumunta ng hotel. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan lalo na at siya ang CEO ng kompanya. Nang matapos kong ayusan ang sarili ko ay bumaba na ako ng kwarto. Nakita ko naman ang anak kong nanunuod ngayon sa TV. “Hi mommy,” nakangiti nitong sambit nang makita niya ako. “Wow, you look so beautiful po mommy.” Papuri niya na ikinangiti ko. Nilapitan ko siya at bahagya kong ginulo ang mga buhok niya. “Just behave while I’m gone, okay? If you get sleepy, go to our room and sleep, do we understand each other? Don’t stay up watching TV for too long, okay?” I reminded him.“Yes, Mommy, don’t worry. Be careful wherever you’re going.” I kissed his forehead and said goodbye to him. Luma
Leer más