DAVE’S POVAlam ko naman na hindi ko maitatago sa kaniya habang buhay ang tungkol sa ginawa namin ni Liam kay Monica pero hindi ko pa rin naiwasang hindi magulat. Akala ko ay hindi niya na pupuntahan si Monica pero pinuntahan niya pa rin pala.Kung hindi na na-save ang mga daliri niya dahil sa mga ginawa namin ni Liam, sarili niya ang sisihin niya. Nangyayari ang lahat ng yun sa buhay niya dahil sa kaniya, dahil sa plinano niyang pagpatay kay Neah.“Hey,” napatingin ako kay Liam nang dumating na ito. Binigyan ko naman siya kaagad ng alak saka ko ininom ang alak ko. Nasa bar kami ngayon dahil inaya ko siyang mag-inom kahit kaunti lang.Nagpaalam naman ako kay Neah at alam niya kung saan ako pupunta at sino ang makakasama ko. Masyadong busy si Marco sa business ng pamilya niya kaya hindi ko madalas maaya.Hindi na rin ako nakakalabas ng bahay dahil pagkatapos ng trabaho ko, inilalaan ko naman kaagad ang oras ko sa mag-ina ko.“So, what’s up?”“Neah already knows.” Sambit ko.“Did you te
Leer más