NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.Tumayo ako at umalis sa sala.“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagaw
Last Updated : 2026-05-30 Read more