NEAH’S POVNakatingin ako sa anak ko na namumuo na ang mga luha sa mga mata niya dahil kailangan nang umalis ni Dave. “Daddy, please, can you just sleep here? Please don’t leave yet,” Pakiusap nito kaya napatingin sa akin si Dave. Nakakapit si Kaiden sa pants ni Dave na para bang ayaw na talaga nitong paalisin sa bahay. Nakokonsensya ako para sa anak ko. May karapatan naman talaga silang dalawa para makasama ang isa’t isa pero heto ako, pinipili pa ring itago sa kanila ang totoo. Pinantayan ni Dave ang mga mata ni Kaiden saka niya pinunasan ang mga luha nito. “I have to leave, Kaiden. Your mommy is here, she can stay with you and sleep beside you. I can’t stay at your house, especially since your mommy and I aren’t in a relationship, we’re only business partners,” Pagpapaliwanag ni Dave pero nakanguso na ito at ano mang oras ay iiyak na siya. Napabuga ako ng hangin. Ano bang gagawin ko? Mas lalong napapalapit si Kaiden kay Dave at kung magpapatuloy na ganito. Hindi imposibleng su
Leer más