Chapter 58 "Go ahead, son." Ngumiti si Althea kay Caleb. "And there are many kinds of food out there." Sabay turo niya sa buffet na puno ng iba't ibang pagkain. Doon ko lang naalala. Bukod sa Family Day, nagpa-cater din pala ako ng iba't ibang putahe para sa lahat ng empleyado at kanilang mga pamilya. Napangiti ako nang bahagya. Mukhang mas mauuna pang mabusog si Caleb kaysa sa akin. Napalingon ako kay Mommy. Nakatayo siya sa hindi kalayuan at nakangiti habang pinagmamasdan kaming tatlo. Makalipas ang ilang segundo ay lumapit siya sa amin. "Ako na, anak." Malumanay niyang sabi sa akin. "Buti pa..." "Mag-usap kayong dalawa nang masinsinan." Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ni Caleb. Ngumiti siya nang napakatamis. "Come here, little one." "I'll help you get some food." Sandali siyang natigilan bago, sa hindi sinasadyang lambing, nasabi niya, "Grandma na ang magpapakain sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko. Maging si Mommy ay bahagyang natigilan sa sarili niyang nasa
Read more