Chapter 2 Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay pakiramdam ko ring unti-unti kong iniiwan ang lahat ng alaalang binuo namin. "Althea, please!" habol niya habang sumusunod ng ilang hakbang. Ngunit agad akong huminto. At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Ang mga matang minsang puno ng pagmamahal para sa kanya ay wala nang ibang laman kundi pagod at sakit. "Ang kapal ng mukha mo." Napatigil siya. "Sa lahat ng taong pwede mong lokohin, ako pa." Napailing ako. "Huwag ka nang mag-abala pang magpaliwanag." Bumara ang luha sa lalamunan ko. Ngunit pinilit kong maging matatag. "Dahil mula ngayon, wala ka nang karapatan sa buhay ko." At matapos sabihin iyon, tuluyan ko siyang tinalikuran. Habang sa likuran ko ay paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Ngunit hindi na ako lumingon. Dahil kung lilingon pa ako. Baka makita niya kung gaano ako kasira. At ayokong ibigay sa kanya ang huling piraso ng dignidad na natitira sa akin. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jo
Terakhir Diperbarui : 2026-06-02 Baca selengkapnya