Bumuka ang ilong ni Lovely at nanlisik ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Halos lumuwa ang kanyang mga ugat sa leeg sa tindi ng gulat at poot. "Walanghiya ka, Khendra! Sino ka para mag-alaga sa lalaki ko?!"Tiningnan ko siya nang nakakaloko, sabay kibit ng aking mga balikat. "Sabi nga ng doktor, Lovely, ako ang hinahanap. Ako ang kailangan. At higit sa lahat, ako ang responsable, di ba? Eh ikaw, ano ka nga ulit dito? Tagasigaw sa koridor?""You b*tch!" Akmang susugurin ako ni Lovely nang harangan siya ng doktor gamit ang kanyang clipboard."Miss Aragon, kung gagawa kayo ng gulo rito, mapipilitan akong tawagin ang security upang ilabas kayo sa palapag na ito," banta ng doktor sa isang napakalamig na tono.Natigilan si Lovely na nanginginig ang buong katawan habang nakatitig sa akin nang matalim. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa siguro ako nakaburol. Pero hindi ako natakot; sa halip ay lalo ko pa siyang nginitian nang napakatamis upang sadyang sunugin ang kanyang natitiran
اقرأ المزيد