Matapos ang munting asaran, nag-umpisa na nga kaming kumain nang sabay-sabay. Napuno ng init at saya ang aming lamesa, isang tagpo na kung titingnan ng sinumang dumadaan o ng ibang mga kostumer sa buffet restaurant, ay iisipin nilang kami ay isang perpekto, buo, at huwarang mag-anak. Si Drevin, na may matikas na tindig, malapad na balikat, at maaliwalas ngunit napakalaking mukha, ay mukhang-mukha talagang isang mapagmahal na ama habang inaasikaso ang kambal."Kiran, dahan-dahan sa pagbaba ng baso, baka matapon ang juice mo," malambing ngunit may awtoridad na paalala ni Drevin sabay abot ng tissue upang punasan ang kaunting sarsa sa gilid ng labi ni Kiran."Opo, Daddy Drevin!" sagot ng anak ko bago sumubo ng malaking hiwa ng steak."Kirsi, ubusin mo muna ang gulay mo bago ka kumuha ng cake mamaya, okay?" baling naman niya sa aking anak na babae na ngayon ay bahagyang nakanguso ngunit sumusunod din naman."Fine... For the playground," bulong ni Kirsi na ikinatawa naming dalawa ni Drevin
Read more