Napansin ni Cielo na parang hexagon ang pagkakapuwesto ng apat na building sa loob ng residential community.“Sa gitna ba ang penthouse nina Nora?” tanong ni Cielo.“Yes. Hetong nasa harap.” Hindi na muling nagsalita ang babae at inilinga-linga na lamang ang tingin sa paligid. Pagdating nila sa kanilang building, sumabay si Jay sa elevator. Keycard ng bodyguard ang ginamit para makaakyat sila sa penthouse. Pinauna pa silang lumabas ng elevator at inabutan ang isang bodyguard sa labas. Binuksan ni Nathan ang p***o at pinapasok si Cielo. “Susunod ako, Darling. Magpahinga ka na.”Tumango si Cielo pero na-curious siya sa pag-uusapan ng dalawa, kaya pumasok siya at nanatili sa likod ng p***o habang nakauwang lang nang kaunti iyon.“Sir, according kay General Locsin, may nakitang remnants ng IED sa sumabog na transformer. Sa tingin nila, plano talagang mawalan ng kuryente sa Santuario, pero dahil walang nahuli at wala ring nawala sa loob, hindi pa alam kung ano ang pakay sa ampunan,” pagbi
Read more