Matapos maghapunan, nagyaya ang limang madre na magtsaa o kape sa coffee nook ng Santuario. Isang maliit na silid iyon sa main building kung saan nila kinakausap ang mga potential donor at pamilyang gustong mag-ampon ng bata.“Mommy, uuwi na ba tayo sa house natin tonight?” tanong ni Sky habang inilalapag ko ang baso na may lamang maligamgam na gatas sa kanyang harapan. Isang tipid na ngiti ang pinawalan ko. Naupo ako sa Tiffany chair na katabi ng inuupuan niyang high chair para mapantayan siya. “May visitors tayo dito sa Santuario sa Saturday, may magse-celebrate ng birthday, kaya tutulungan muna natin sina Sister mag-asikaso then sa Sunday ay uuwi na tayo.”“Birthday, Mommy? Party po iyon?” muli niyang tanong, tila excited na agad.“Yes, Bubba!” nakangiti kong sagot.“Can I attend the birthday party too?” muli niyang tanong.“Puwede kang mag-attend, Sky, basta kakantahan mo ng Happy Birthday ang celebrant,” nakangiting singit ni Sister Grace sa usapan naming mag-ina.Nanlaki ang mg
اقرأ المزيد