Matapos magpalaro ang host, tinawag muli sa stage sina Nathan, Cielo, at Sky upang awitan ang birthday boy ng Happy Birthday at pinahipan na rin ang kandila sa cake nito na Lego rin ang design.Tumayo si Nora at tuwang-tuwa na kinunan ng picture ang pamilya. Tumayo rin si Isla sa tabi ni Nora at iniangat din ang kanyang cellphone.“They look beautiful,” nakangiting komento ni Nora.Nakasuot sina Nathan, Cielo at Sky ng plaid maroon and white long sleeves na tinupi hanggang taas ng siko, off-white pants, brown leather belt and loafers. “Nathan looks very happy,” sabi naman ni Isla.“Well-earned,” sagot naman ni Nora sa babae bago bumalik sa table nila.Isang payak na ngiti ang puminta sa mukha ni Isla, umaasang pagdating ng tamang panahon ay maaari na siyang maging malapit muli sa lalaki, na sobra nilang pinagkakautangan ng buhay ng buong pamilya niya. Pagkatapos kantahan si Sky ng mga bisita, nakantiyawan din ng dance number ang mag-anak na pinaunlakan naman nila. Nagulat sina Cielo
Read more