Pasado alas siyete na nagising si Helga. Agad niyang nilingon ang couch at napakunot ang noo niya nang mapansing walang nakahiga roon. Wala ring unan at kumot. Umikot siya para tingnan kung may katabi siya sa malaking kama, pero nag-iisa lang siya.Sinuklay lang niya ang mahaba niyang buhok at saka lumabas ng silid upang hanapin si Nikko. Naamoy niya na may nilulutong sinangag sa kusina, kaya nagdesisyon siyang bumaba kahit naka-pajama pa siya.Napasinghap siya ng madaanan ang dining hall at makitang napakaraming prutas doon. Pagdating niya sa Kusina, si Macel ang inabutan niyang nagluluto. “Manang, si Nikko po?” Lumiwanag ang mukha ng babae. “Good morning, Ma’am. Nasa manggahan po sina Sir at Bert. Baka pabalik na rin po ang mga iyon para mag-almusal.”“Bakit po kayo narito ngayon? Sinong nagbabantay sa anak ninyo?” nag-aalalang tanong ni Helga.“‘Yung panganay ko po. Kapag Lunes ay hapon pa ang klase niya, kaya siya muna ang nagbantay sa kapatid niya,” paliwanag ni Macel.“Ilang ta
더 보기