Pagkaalis ng sasakyan ni Elias sa Santuario, agad nakatanggap ng mensahe sa communication device si Jay na katatapos lang kausapin ang pinagkakatiwalaan ni Nathan na househelp sa kanyang penthouse sa Quezon City.Mabilis na pumasok sa main building si Jay at nilapitan si Nathan kahit nakikipag-usap ito sa Mother Superior ng Santuario.“Sir, we need to leave now,” bulong nito.Tumango si Nathan habang buhat pa rin ang anak at hawak pa rin sa baywang si Cielo. Hindi nito pinakawalan ang babae kahit kaharap ang madre. “Sister, pasensiya na po. Kailangan na naming umalis. Isasama ko po sina Cielo, Sky, at Nanay Criselda,” pagbibigay-alam niya sa matandang madre.Bahagyang nagulat si Sister Lilibeth na gusto sanang tutulan ang pagkuha sa mag-ina dahil nais sana niyang maikasal muna si Cielo kay Nathan bago sila tuluyang magsama, ngunit muling nagsalita ang lalaki.“Iiwan ko ang limang bodyguard para makatulong kay Mang Delfin sa pag-secure sa inyo. Bukas ay magdadagdag ako ng security gua
続きを読む