Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window na tanaw na tanaw ang garden ng factory. Napansin din ni Cielo ang mamahaling brand ng laptop sa ibabaw ng mesa. May sarili siyang coffee machine at lagayan ng tsaa, cookies, at candies. “This will be your office here in the factory,” ani Nora na seryosong nagsasalita ngunit may tipid na ngiti sa labi. “Let me know if okay sa iyo ang pagkakaayos o kung may gusto kang ipabago…”Nakaramdam siya ng hiya dahil sobra-sobra iyon sa inaasahan niya. Agad niyang pinutol ang sasabihin pa ng babae. “This is already too much, Ms. Nora. Everything is super okay.”Alanganing napatango ang executive assistant ng CEO. “Sure ka ba, Ms. San Juan?”“Please call me, Cielo. Masyadong pormal ang pagtawag mo sa
Terakhir Diperbarui : 2026-05-31 Baca selengkapnya