“That’s good. Take a bath now and wait for me on your bed.” Tumango lang si Cielo at sinubukang kumalas kay Nathan, pero mas lalo pa siyang niyakap ng lalaki gamit ang dalawang braso nito. Kumunot ang noo niya at muling tiningala niya ang lalaki. “Don’t wear anything,” bilin ng lalaki bago siya pinawalan at nauna pang pumasok sa sariling silid.Hindi na nag-aksaya ng oras si Cielo. Last week, ganoon din ang hitsura ng lalaki nang naunahan siyang makauwi at hindi siya tinantanan sa kama hangga’t may ilalaban pa ang sandata nito. Mabilis lang sanang maliligo si Cielo, pero nang dumaloy ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan, pakiramdam niya ay nare-relax ang katawan niyang napagod maghapon, kaya imbes na magmadali ay inulit pa niyang nagsabon.Nagpunas muna siya ng kanyang katawan at saka pinatuyo ang mahabang buhok gamit ang blower. Nag-toothbrush din siya nang maigi at sinigurong mabango ang hininga.Paglabas niya ng banyo, nasa kama na si Nathan. Sandaling natigilan si Cielo at
อ่านเพิ่มเติม