“Sky, ingat sa pagtakbo, anak, baka madapa ka!” habol ni Cielo sa anak na excited na tinakbo ang open field ng parke ng isang mall sa Sta. Rosa. “Habol mo po ako, Mommy!” sigaw ni Sky na tuwang-tuwa.“Sige, maghabulan kayong mag-ina. Dito lang ako uupo,” natatawang sabi ni Criselda na nakahanap ng bakanteng bench.Napapikit si Cielo para makapagtimpi sa anak. Pumayag na nga siyang makipagkita sa kaibigan ng anak na tinatawag nitong Daddy, tapos paghahabulin pa siya nito dito sa park. Ano kayang amoy niya kapag humarap sa lalaki?Tumakbo pabalik sa kanya si Sky nang makitang nakapameywang na lang siya. “Mommy, bakit ayaw mo akong habulin?”“Ayaw kong mabasa ng pawis, anak,” katwiran niya.“Bakit po, Mommy?” tanong ulit ng bata.“Kasi ime-meet pa natin ang friend mo ng lunch, eh ‘di nakakahiya naman kung basa ako sa pawis,” paliwanag niya.“Mabango ka naman po kahit basa ng pawis, Mommy, kaya okay lang po iyon,” nakangiting pangangatwiran ni Sky.Napangiwi naman si Cielo sa sinabi ng an
続きを読む