Alas-otso na ng umaga nang nagising sina Nathan at Cielo. Inabot pa sila ng sampung minuto na naglambingan sa kama bago tuluyang nagdesisyong tumayo para sabay na maligo. “Anong isusuot ko?” tanong ni Cielo sa lalaki bago lumabas ang huli ng kanyang silid para magbihis.“Something comfortable. Bring extra clothes, bukas na tayo uuwi,” sabi pa ng lalaki na sinabayan ng kindat.Napangiti si Cielo. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang magkasama ni Nathan, paganda nang paganda ang kanilang pagsasama. Flared denims, white sleeveless hanging blouse na pinarisan ng white rubber shoes ang isinuot ni Cielo. Nagdala rin siya ng extrang undies, blouse, mini skirt at shorts. Naglagay lang siya ng manipis na make-up para mas maging presentable dahil ayaw niyang mapagkamalang yaya ng napakaguwapong ka-date niya.Date. Kinilig siya sa itinawag niyang iyon sa pag-alis nila. Napaisip siya kung saan siya dadalhin ng lalaki?Paglabas niya sa living area, eksakto
اقرأ المزيد