Lunes.Late nagising si Cielo, kaya nagdesisyon siyang maligo muna bago bumaba para mag-almusal. Nagtataka siya na hindi man lamang siya ginising ng anak na dati-rati ay nauuna pa sa kanyang alarm clock. Itim na slacks, beige na short-sleeved satin blouse, at itim na blazer na lang ang naisip niyang isuot, pinarisan ng tatlong pulgadang black heels. Manipis na make-up lang din ang inilagay niya sa mukha. Napangiti siya sa harap ng salamin, may simple corporate look para sa meeting nila mamayang alas diyes. Magbibigay sila ng update sa Chairman at CEO tungkol sa status ng kanilang proyekto.Paglabas niya ng kanyang silid, agad niyang narinig ang masiglang boses ni Sky na bibong-bibo sa pagpapasikat kay Nanay Criselda. Ang kinukuwento ay ang kanyang mga alaga umanong dinosaur. Habang bumababa sa hagdan, napailing at napangiti na lamang ang babae sa imahinasyon ng anak .Ngunit bago pa siya makababa, nawala ang ngiti sa kanyang labi nang mapagtanto na hindi si Nanay Criselda ang kakuwen
続きを読む