Pagdating ko sa bus terminal, naisip kong magpaalam kay Ross na hindi muna ako magpapakita sa loob ng ilang araw. Cielo to Ross:Ross, I’ll be indisposed for a few days. Message me on social media if it's a life-threatening issue. Thank you, friend!Hindi ko na hinintay ang sagot niya at in-off ko na ang cellphone ko. Wala rin naman akong planong magpaliwanag sa kanya kung ano man ang nakita ng taga-HR. Tanungin nila ang CEO nila!Nang umandar ang bus, ipinikit ko ang aking mga mata para makapag-isip. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang enerhiya kanina para mailabas ang lahat ng sama ng loob ko kay Nathan. Ayaw ko na sanang ipaliwanag iyon dahil alam ko naman kung saan ako lulugar sa buhay niya noong mga panahong iyon. Tanggap ko iyon noon, pero ngayon, naguguluhan na ako sa ginagawa ni Nathan. At kanina, sinabi niya na mahal niya ako. Hindi naman niya sinasabi sa akin ang mga salitang iyon, pero kanina, sa harapan ng babaeng iyon, dalawang ulit niyang sinabi. Mahal nga ba talaga
اقرأ المزيد