Tinamad na gumawa sa workshop garage si Cielo matapos hindi makaalis ng bahay dahil sa bodyguard ni Nathan na nakabantay sa kanya sa labas ng gate. Akala pa naman niya ay nagtagumpay siyang maipadampot ang lalaki sa barangay nang hindi halatang siya ang nagbigay ng tip. Nagbasa na lamang siya ng libro sa living room.Nag-e-enjoy na siya sa binabasang libro na may pamagat na The BIllionaire's Rewritten Vow nang pukawin ng sunud-sunod na doorbell ang kanyang atensyon, kasunod ng ingay ng ilang kalalakihan sa labas ng gate. Napilitan siyang lumabas para tingnan kung sino iyon.Sa tangkad ni Nathan, agad niyang nakita itong nakasilip sa gate. Tamad siyang lumapit ngunit hindi pinagbuksan ang lalaki.“Why are you here, again?” inis niyang tanong. Nagtagumpay na siyang mapaalis si Nathan sa pamamahay niya ,kaya ayaw niyang papasukin ito,“Darling, please open the door. Nandito sina Kap kasama ko. Gusto raw magpasalamat sa iyo,” nakangiting sabi ni Nathan.“Mrs. Quinn, magandang tanghali po!
اقرأ المزيد