ALEXANDRA’S POVMula sa araw na iyon, naramdaman ko ang pagbabago. Unti-unti… lumalayo siya. Hindi na katulad ng dati ang bawat tingin niya, bawat salita niya. May pader na itinatayo niya sa pagitan namin—mataas, matibay, at tila walang pintuan. Hindi na siya yung Edward na isang ngiti ko lang, bumibigay na ang lahat.Ngayon, hindi na niya ako kinakausap nang tumitingin sa aking mga mata. Kapag may kailangan siyang sabihin, nakayuko lamang siya, nakatingin sa ibaba, o kaya ay ibinabaling ang tingin sa ibang direksyon. He’s building walls between us, brick by brick. At sa bawat patak na idinadagdag niya, tila lalong sumisikip ang dibdib ko.Sinubukan kong huwag pansinin. Sinubukan kong maging propesyonal lamang. Sinasabi ko sa sarili ko na marahil ay abala lamang siya, marahil ay pagod lamang. Ngunit sa bawat pag-iwas niya ng tingin, sa bawat pagtalikod niya bago pa man ako makapagsalita… tila may matalim na bagay na tumutusok sa puso ko. Masakit. Sobrang sakit. Dahil alam ko—hindi ito
Read more