XIAN’S POV Pagpasok ko pa lang sa opisina, ramdam na ni Edward na may mali. Pumapasok kasi akong mabigat ang hakbang, magulo ang buhok, at parang may mabigat na bato na nakadagan sa dibdib ko. Agad siyang tumayo mula sa mesa niya, nag-aalala ang mukha. "Sir Xian? Okay lang po ba kayo?" tanong niya nang puno ng pag-aalala. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili, pero sa halip na gumaan… lalo lang bumigat. Umupo ako sa presidential chair, pagkaraan ay napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad. Hindi na ako nahiya kay Edward dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya. "Edward… am I not enough?" tanong ko, ang boses ko ay basag na basag, halos pabulong na lang. "I gave her everything. Ang bahay, ang pera, ang suporta… tinanggap ko siya nang buong-buo kahit alam ko ang lahat ng nakaraan niya. I accepted every part of her. Pero bakit parang… parang pinarurusahan niya ako araw-araw?" Tumingin ako sa kanya, puno ng paghahanap ng sagot. "Kagabi, tumanggi siya. Kanina
Read more