ALEXANDRA’S POVTumakbo ako. Tumakbo ako nang mabilis, parang may humahabol sa akin—hindi lang sa kaniya, kundi sa buong nakaraan kong akala ko ay naiwan ko na sa likod. Pumasok ako sa pinto ng ospital, hingal na hingal, yung dibdib ko parang sasabog—hindi lang dahil sa pagtakbo, kundi dahil sa mukha niya. Si Xian. Bumalik siya. At nakita niya ako. Nakita niya akong wasak, basang-basa, umiiyak sa ulan, parang pulubi sa harap ng lalaking minsan ay nag-alay sa akin ng buong mundo.Sumandal ako sa malamig na pader ng pasilyo, pinipigilan ko ang pag-iyak hangga't maari. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang makita siya ulit, o ang katotohanang hindi ko alam kung siya ba ang ama ng anak kong nakahiga sa loob ng kwarto doon.Ang anak kong si Elara. Ang batang may mga matang minsan ay nagpapaalala sa akin ng dalawang mukha. Minsan, kapag tumatawa siya, nakikita ko ang ngiti ni Edward—malambot, puno ng pag-asa. Pero kapag seryoso siya, kapag nakatitig siya nang diretso sa iyo… doon ko na
Read more