Kian POV Pagkalabas namin ni Madison sa security control room, akala ko ay papaalisin niya na ako para makapagpahinga na rin siya. Alam kong masama pa rin ang tiyan niya hanggang ngayon at kailangan niyang bumalik sa suite room. Pero sa halip na magpahinga, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa ikalawang palapag ng grand hall, sa nakatagong VIP balcony na direktang nakadungaw sa buong ballroom. Habang hawak niya ang kamay ko, napilitan akong sumunod sa paghila niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa malambot niyang kamay na nakahawak sa pulso ko. At, hindi ko rin maiwasang mapangiti nang palihim habang patuloy niya akong hinihila. Ewan ko ba. Sa tuwing nagkakadikit lang ang balat namin, parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Maybe this is lust, pero kung lìbog lang talaga ito, bakit hindi naman sumasagi sa isip ko na gusto kong may mangyari sa aming dalawa? Unlike kapag may kasama akong ibang babae, iyon talaga ang nasa isip ko. Sex. Marahil, da
Magbasa pa