“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napayakap sa sarili. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa lapel ng overcoat dahil sa lamig ng aircon. Pagkapasok niya sa driver’s seat, inalis niya ang pagkakasuksok ng kanyang dalawang baril sa tagiliran at basta na lamang iyon inilagay sa dashboard. Hindi ko naiwasang mapakunot ang noo dahil sa kakaibang tunog ng bagay na iyon pagkalapag niya. “Totoong baril ba ’yan?” usisa ko. “It's a toy,” sabay abot niya at ipinakita sa akin na peke lang pala ang mga ito. “This is Yuan’s toy. I bought it for him,” aniya nang hindi man lang ako tinitingnan. “Ahh...” Napatango-tango lang ako bago muling naisipang bumalik sa proposal ko kanina. “Pumapayag ka na ba?” hindi mapakaling wika ko. Tinitigan ko siya
最終更新日 : 2026-06-06 続きを読む