LOGINSalamat sa pagsubaybay sa story na ito. Sana umabot tayo hanggang dulo... ❤️
Kian POVLunes ng hapon, isang araw bago ang kaarawan ni Uncle Aviv.Nakaupo ako malapit sa bintana ng isang VIP room sa isang kilalang café, hindi kalayuan sa Lorenzo Grand Hotel. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Madison, nakasuot ng eleganteng dress, sunglasses, at may ngiting akala mo'y nanalo na sa lotto.“You’re early,” bungad niya bago umupo sa tapat ko at ibinaba ang kaniyang designer bag.“Gusto ko lang siguraduhin na maayos at walang bulilyaso ang plano mo,” sagot ko habang pinanatili ang seryoso kong tingin sa kaniya.Mula sa kaniyang pouch, kumuha siya ng isang maliit at transparent na glass vial na may lamang mga pildoras. Dahan-dahan niya itong inilapag sa ibabaw ng mesa.“Ano ’yan?” tanong ko, kahit may hinala na ako kung para saan iyon.“This will guarantee our victory tomorrow night,” nakangisi niyang pahayag. “A fast-acting stimulant and aphrodisiac. Ilalagay natin ito sa baso ng whiskey ni Aviv o di kaya sa birthday cake niya habang busy ang lah
Kian POVNakasandal ako sa aking swivel chair dito sa loob ng opisina ko sa Averoné Logistics Company. Nakatutok ang mga mata ko sa screen ng cellphone ko habang binabasa ang report na ipinadala ng private investigator na kinuha ko. Ipinasiyasat ko ang buong dating history ni Madison dahil gusto kong malaman kung may kahit anong bahid sa nakaraan niya na maaari kong gamitin laban sa kaniya.Nang matapos kong basahin ang huling linya, ibinaba ko ang phone sa ibabaw ng glass desk at muling napasandal habang nakatitig sa kisame.“Si Uncle lang talaga ang naging ex-boyfriend niya? Parang napaka-imposible naman nito. Sa ganda ng hitsura niya at sa dami ng lalaking nagkakagusto sa kaniya... si Uncle Aviv lang talaga ang nag-iisang lalaki sa buhay niya?”Napahilot ako sa sentido habang pilit na inuunawa ang mga datos na nasa report. Gusto ko lang naman makahanap ng butas sa pagkatao ni Madison na maaari kong gamiting panlaban at pampasira sa kaniya. Pero bakit parang napakalinaw at napakali
Jane POV Kinaumagahan, nauna na akong bumangon at naghanda ng maisusuot habang si Aviv naman ay nakakulob pa rin sa kama, walang suot na damit pang-itaas at mahimbing pa rin ang tulog. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Tuesday na ang birthday niya, exactly the first day of the month. Sinabi niya sa akin kagabi na sa Lorenzo Grand Hotel gaganapin ang kaniyang kaarawan. He wanted an intimate birthday party, pero sina Abegail at Alena, gusto nilang gawing engrande ang lahat. Sila na raw ang bahala sa venue at buong programa. Wala namang nagawa ang asawa ko dahil ipinamukha sa kaniya ni Abegail na hindi siya puwedeng tumanggi, lalo’t napag-usapan na nila noon pa na ang mga kapatid niya ang bahala sa 37th birthday niya. Sigurado akong maraming bisita ang dadalo, at wala ring magagawa ang asawa ko dahil ang mga kapatid niya ang nagdesisyon kung sino-sino ang iimbitahin. ‘Kasama kaya roon si Madison?’ tanong ng isip ko. ‘Of course, kasama ang isang iyon. BFF ba nam
Pagkauwi ko sa mansiyon, diretso agad ako sa kwarto namin ni Aviv.Pagkapasok ko sa loob, madilim ang buong silid. Agad kong pinindot ang switch. Nang lumiwanag ang buong kwarto, agad kong naidako ang tingin ko sa malaking flower bouquet at kahon ng tsokolate na nakapatong sa ibabaw ng kama.Saglit akong napatitig doon bago napalingon sa pintuan ng banyo. Hindi iyon nakalapat nang husto.‘Nagdala ba siya ng bulaklak at tsokolate pampalubag-loob sa akin pagkatapos niyang tumakbo papunta kay Madison nang malaman niya ang katotohanan?’Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. Hindi ko ginalaw ang bouquet. Sa halip, inilapag ko muna sa side table ang mga dala ko bago dumiretso sa closet para magpalit ng pambahay.Pagkatapos kong magpalit ng damit, marahan kong nilapitan ang pintuan ng banyo. Maingat ko itong itinulak at sumilip sa loob. Agad kong naaninag ang bulto ng isang tao sa likod ng foggy glass ng shower room. Mukhang nagbabad sa bathtub ang asawa ko.Muli ko na sanang isasar
Jane POV Bagaman masama ang panahon dahil sa malakas na ulan kanina, tumuloy pa rin kami ni Rochelle sa memorial park para dalawin ang kaniyang namayapang ina sa kaarawan nito. Umaambon pa rin nang makarating kami roon, kaya pareho kaming may dalang itim na payong habang naglalakad sa basang damuhan. Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan papunta sa puntod ng kaniyang ina. Habang malayo pa kami sa puntod, agad kong natanaw ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaking nakatalikod. May hawak din itong itim na payong at tahimik na nakatayo sa gitna ng mga lapida. Nang makalapit kami nang kaunti, nakilala ko agad siya. Si Kian. “Anong ginagawa mo rito, Kian?” agad kong tanong nang magtagpo ang aming mga mata. “May tao lang akong gustong kausapin ngayon... pero mukhang may nauna na sa akin,” saad niya sa seryosong boses bago muling ituon ang paningin sa unahan. Napatingin ako sa direksyong tinitingnan niya. Nang sundan ko ang kaniyang paningin, natuod ako sa kinatatayuan ko.
“Hindi mo alam ’yon?” hindi makapaniwalang balik-tanong ni Tita Isabela kay Aviv. “Dalawang beses siyang nakunan dahil gumamit ng gamot ang lolo niya para patayin ang ipinagbubuntis niya. Ayaw ng matandang iyon na magkaroon ng apo na may dugong Averoné.”Tuluyang nabitawan ni Aviv ang hawak niyang mga kubyertos. Walang imik siyang tumayo, tila hindi makapaniwala sa kaniyang mga narinig.Napatayo na rin si Kian, bakas ang matinding pagkabigla at interes sa mukha niya.“So... ang ibig n’yo pong sabihin, she didn’t abort those babies?” tanong ni Kian sa kaniyang ina.“No. She didn’t,” may bahagyang diin na sagot nito. “Alam ko ang totoo dahil kaibigan ko si Leonarda. Siya mismo ang nagkuwento noon sa akin. Noong unang makunan si Madison, akala niya it was just an unfortunate pregnancy. Pero noong nabuntis siya ulit at muli na namang nawala ang bata, doon na lumabas ang katotohanan... May inilalagay pala ang lolo niya sa pagkain niya para malason at mamatay ang baby sa sinapupunan niya.
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







