Jane POV Nang tuluyan nang tumila ang malakas na ulan, agad kaming bumalik ni Aviv sa mansiyon sakay ng estate cart. Pagkarating namin sa foyer, mabilis kaming sinalubong ni Nicole. “Good afternoon po, Sir Aviv, Ma’am Jane,” bati niya. Napatingin siya sa basang buhok ni Aviv. Kapansin-pansin din na suit jacket lang ang suot ng kaniyang amo sa pang-itaas, at basa na rin ang suot nitong trousers. “Nabasa po kayo ng ulan, Sir? Paano na lang po kung bumalik uli ang lagnat ninyo?” Napatingin ako sa asawa ko. “Lagnat? Nagkalagnat ka?” singit ko agad. Napabuntong-hininga siya sa tanong ko. “Maayos na ako ngayon.” “Ilang araw kang nagkalagnat?” agad kong usisa. Wala kasi akong kaalam-alam na nagkasakit pala siya. “Four days.” Bahagyang napaawang ang labi ko. “F-Four days?!” Napalo ko nang mahina ang braso niya, dahilan para bahagya siyang dumaing. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Hindi niya agad ako sinagot. Sa halip, mabilis niya akong hinila palayo kay Nicole at iniwan namin ito
Magbasa pa