Mukhang kailangan na talagang putulìn ang mga kamay at paa ng mga gago para tuluyan nang tumigil sa panggugulo sa mga taong nagtitinda lang naman nang patas para mabuhay.“Mamaya. Darating ako,” malamig kong tugon.“Sige po, Boss. Hihintayin po kita rito. Pero ipapaalala ko lang sa inyo, marami silang bagong kasama ngayon. Mukhang mga bagong recruit nila para dumami ang puwersa nila,” paalala pa ni Jason.“Okay. Don't worry, I can handle them later,” sagot ko bago tuluyang pinutol ang tawag.Marahan akong kumatok sa pinto noong nasa harapan na ako ng aming silid. Napadistansya ako nang bahagya nang marinig ko ang mahinang pag-click ng lock nito. Pagkabukas ng pinto, bumungad ang mukha ng kaibigan ni Jane na si Inna.Napatingin siya sa briefcase na bitbit ko, at ako naman ay bahagyang napasilip sa loob ng kwarto, hinahanap ng mga mata ko ang aking asawa.“Nasa banyo siya, nag-aayos,” ani Inna, tila nabasa ang hinahanap ko. “Paalis na rin ako, Mr. Averoné. Salamat sa pagbibigay sa amin
Read more