“Ma'am Jane,” mahinang pagtawag sa akin ang narinig ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. “Ma'am Jane, gising na po kayo. May bisita po kayo,” tuloy pa niya kaya pinilit kong imulat ang mga mata ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, “Kyah!” Napaatras ako bigla at maiksing napahiyaw sa gulat dahil sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. “Ayy, sorry po, ma'am,” agad na paumanhin niya. “Pinapunta po ako rito ni Sir Aviv dahil mayroon po kayong bisita,” nakangiting dugtong niya. Napahawak naman ako sa dibdib ko. “Manang Edith naman, bakit po ganyan ang itsura ninyo?” hindi maiwasang usisa ko dahil sino ba namang hindi magugulat sa pagmumukha niyang puno ng puting pulbos. “Si Yuan ang may kagagawan nito sa akin. Alam mo naman ang batang iyon, napakapilyo talaga,” paliwanag niya na ikina-“ahh” ko na lang. Binanggit niya pa lang ang pangalan ni Yuan, alam ko na agad kung anong ginawa ng bata para magkaganyan ang itsura niya. “Sinong bisita ko?” tanong ko bago marahang napapaupo. Napang
Read more