“Pasensya ka na sa mga sinabi ng mukhang pera kong nanay. Ikaw ang bahala kung babayaran mo ang mga utang namin. At isa pa, ayaw kong gawing libre ang ipambabayad mo. Babayaran kita ng 100 million kapag nakabawi na ang kompanya namin. Pero bigyan mo ako ng mahabang panahon para mabayaran ko iyon,” seryoso kong saad sa kaniya, pilit na pinatatag ang boses ko.Hindi naman siya sumagot. Bagkus, napatitig lamang siya sa mga mata ko. Ang madilim niyang titig ay tila binabasa ang bawat sulok ng pagkatao ko, bagay na lalo pang nagpabilis sa tibok ng aking puso. “Sige na, Ma. Umalis ka na,” malamig kong sabi sa kaniya nang ibaling ko ang atensiyon ko rito.Balak pa sanang humirit ni Mommy, pero sinamaan ko na siya ng tingin. Alam kong ayaw niyang magpatalo sa usapan, pero napilitan siyang umatras dahil nasa harap namin si Aviv.Nang tuluyan nang makalabas ng mansiyon ang nanay ko, doon lang tuluyang bumagsak ang mga balikat ko. Ang katahimikang bumalot sa sala ay parang isang mabigat na paru
Read more