“O, ayan na pala ang mga sundalo ng hari mo,” untag sa akin ni Rochelle, sabay sulyap sa mga bodyguard na agad na kumilos para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. “Naku, Jane, mag-ingat ka mamaya sa mansiyon n’yo, ah? Baka bukas, pagpasok mo, naka-wheelchair ka na dahil sa bagsik ng Uncle—este Papa Aviv mo.”“Ewan ko sa ’yo, Rochelle! Umuwi ka na nga!” natatawa kong taboy sa kaniya habang sumasakay ako sa backseat ng mamahaling kotse ni Aviv.“Bye, Jane! Galingan mo mamaya! I-push mo ang tatlong anak!” humahalakhak na hiyaw pa niya habang kumakaway bago naglakad patungo sa paradahan ng tricycle.Nakahinga ako nang maluwag nang maisara ang pinto ng kotse. Pagkuwa’y napansin kong wala ang asawa ko sa tabi ko. Tanging si Feid, ang kanang-kamay niya, at ang driver lang ang nasa unahan.“Nasaan ang boss n’yo? Sabi niya sa akin, sabay na kaming uuwi ng estate,” takang tanong ko sa kanila.“Ma’am Jane, nauna na po si Sir Aviv sa Averoné Estate d
Read more