CHAPTER 158 “Ano sinasabi mo riyan? Ipapakulong kita? Alam natin pareho na wala akong ebidenysa, hindi kikilalanin ng korte ang pag-amin mo lang dahil ako mismo ay walang maalala. Huwag ka ngang magpatawa, Vioxx. Alam na alam natin na hindi ka pababayaan ng mapera at makapangyarihan mong pamilya.” “Don’t cry.” “I’m not crying! Galit ako. Galit na galit ako sa ‘yo,” sumbat niya, naglalaglagan ang mga luha sa pisngi. “Magalit ka lang sa akin. Tatanggapin ko lahat-lahat ng galit mo.” Humikbi na siya kaya lumuhod si Vioxx sa harapan niya para sapuhin ang magkabila niyang pisngi at masuyong pinunasan. Inabot niya ang mga sugat na tinamo nito mula sa kanya kanina. Mas lalo siyang naiyak dahil kahit galit na galit siya rito, hindi niya maikakaila sa sarili na nangingibabaw ang pagmamahal na meron siya para kay Vioxx. “N-Nilayo mo sa akin si Shaun. Ang baby ko…hindi ko man lang siya nabuhat no’ng baby pa siya,” parang bat
Read more