CHAPTER 232[DASHI] 2 and ½ YEARS LATER “Kuya, kuya…school? School po?” Bubuntot-buntot sa Kuya Shaun ang baby bunso ng pamilya, umagang-umaga habang nakatingin lang si Dashi mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Malinis ang itsura ni Shaun sa suot nitong uniporme ng Northshire Academy at saka backpack. “Babalik ako mamaya. You’re our Mommy’s guard, okay?” “Aye-aye, Siwr!” Sumaludo pa ang dalawang taong gulang na si Xerxes sa kapatid nito. Yumuko si Shaun para yakapin ang baby bunso bago naglakad ang mga ito palapit sa kanya. “My-My, kuya…kuya go to school. Aymm meee…me bantay. Bantay po me,” bulol-bulol ang Baby X niya habang parang unggoy na sinusubukan umakyat sa kandungan niya. Natatawang binuhat niya naman ito para paupuin sa mga hita niya. “Ang pogi-pogi naman ng bodyguard ko. Ang tapang-tapang pa.” “Aym breyv like Kuya and Dad.” H inalikan niya ito sa ilong saka nag-angat ng tingin kay Shaun. “Baby
Ler mais