CHAPTER 212[DASHI] Hindi na ulit nakita ni Dashi ang asawa simula nang sinabihan na ayaw niya itong nakita. Subalit, palagi naman may padalang bulaklak, pagkain at mga…handwritten letters. Ni minsan ay hindi niya sinubukan na buksan ang mga sulat nito bagkus ay diretsong itinatago niya sa maliit na lalagyan. “Mommy, may padala si Daddy ko ulit po.” Mula sa pagkakahiga niya sa longue chair ay bahagya siyang bumangon upang lingunin ang itinuturo ni Shaun sa kanyang likuran. Kasalukuyan silang nagbabakasyon ni Shaun sa Casa Amara. Ngayon nga ay nakangisi na si Sean Almeradez nang makalapit sa kanila. “Hello po, Cousin in Law. Delivery at your service.” Kinindatan pa siya ng binatilyo. “Uncle, don’t wink at my Mommy,” masungit na sita ni Shaun nang makalapit sa kanya. “Crush lang.” “Bawal nga po. Ibigay mo na kay Mommy ang padala ni Daddy ko tapos alis ka na.” Parang gwardiya sa Malakanyang na humaluki
Leer más