CHAPTER 243 Dalawang linggo bago ang paglaya ni Vioxx, nagdisisyon siya na uuwi sila nina Shaun sa Pilipinas. Eksakto na katatapos pa lang ng panghuling klase ng mga ito para sa winter season. “Mom, let’s go!” eksayted na eksayted si Shaun nang bumaba ito sa sasakyan pagkahatid na pagkahatid sa kanila sa airport. “Shaun, hindi oras ng flight natin,” tawa niya. “We should have private jet, Mom. Para nakaalis agad tayo. Papa-Uncle told me he’s willing to fly us. Pati si Uncle Rozen, sabi niya pwede niya rin tayong ipagmaneho ng airplane.” “Shaun, hindi tayo mang-iistorbo ng ibang tao,” pangaral niya habang papasok sila sa airport. “It wasn’t disturbing, Mom. It’s called favor and connection. Our teacher told us that asking favor is one of the ways to connect to people and tighten the bond. You will ask for a favor so they could ask you for a favor too.” “Kuhang-kuha mo talaga ang pagiging Almeradez. Next
Ler mais