CHAPTER 226 “No. Alam kong sinasabi mo lang ang bagay na ‘to dahil sa sinabi ni Asher.” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi. Hindi dahil sa sinabi niya. K-Kasi…kasi habang tumatakbo ako palayo sa mga humahabol sa akin, akala ko katapusan ko na. Na sobra-sobra na ang pagpapahirap ko sa ‘yo, masyado akong nilalamon ng nakaraan na hindi na ako masaya sa kasalukuyan.” “Ayaw ko ng magalit, Vioxx. Ayaw kong mamatay na pagsisihan ko na hindi kita tinanggap ulit kahit iyon naman ang gusto ng puso ko. Huwag na tayong maghiwalay, please. Sa amin ka na ulit ni Shaun, huwag na do’n sa Miss Universe.” Nagtuluan ang mga luha ni Vioxx. Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at siniil siya ng madiin na h alik. Pareho silang emosyonal subalit sapat ang mga labi nila na tahimik na nag-uusap—tama na ang pasakit, maging masaya na lang sila at maging aral na lang ang nakaraan. “You’re my universe, Babe. What are you talking about?” anito habang m
Leer más