Mag-log inCHAPTER 74 Inilapat pa ni Autumn ang matambok nitong pisngi sa kanyang pisngi at ngumiti na kita ang gilagid. Nakailang shots si Rozen bago napapayag si Autumn na tama na iyon. Ngising-ngisi pa rin si Autumn nang kinuha sa Papa nito ang cellphone at bumalik sa loob ng kwarto. “Salamat po pala, Sir sa pagdala niyo sa akin sa hospital noong isang araw. Ipapa-dry cleaning ko na lang po ito at susubukan ko na mapapayag si Devi na dalhin sa inyo. At saka po pala, pasensya na sa inasal ko. Ayaw ko na po kasi ng…” natigilan siya. “I understand. Nandito pa kami ni Autumn hanggang weekend. Hihintayin ko ang coat ko.” “Okay po. Aalis na po ako.” “Kumain ka na ba ng almusal? You can join us. Baka hanapin ka ni Autumn.” “Tapos na po.” “Coffee? How about coffee?” tanong pa nito at saka tumingin sa may pinto. “Hindi na po. May pupuntahan pa kasi ako. Thank you na lang.” Tumalikod na si Danica Shane bago
CHAPTER 73 Umiling siya at kinuha ang braso na hawak nito. Nagmamadali ang kanyang mga hakbang palayo subalit muli na naman siyang nahilo. Humawak siya sa poste at muntik ng matumba kung wala lang sumalo sa kanyang katawan. “Ang init mo! I’m bringing you to the hospital,” wika ng pamilyar na boses ni Rozen. Hindi na siya nakapagprotesta dahil tumawag na ito ng taxi cab. Hinang-hina na rin siya at tuluyang nawalan ng malay. Hindi siya sigurado kung gaano siya katagal nakatulog. Nang magmulat siya ng mga mata ay maayos na ang kanyang pakiramdam. “Miss, where am I?” tawag niya sa nurse na nagte-tsek ng IV drop niya. “You’re in the hospital, Ma’am. Are you a Filipina?” tanong nito sa kanya. “Yeah.” “Ay hello, Ma’am. Pinay din po ako. Magra-round po mamaya si Dok. Pakihintay na lang po.” “Iyong lalaking nagdala sa akin dito? Nasaan na?” “Umalis na po si Sir pero may iniwan po siyang coat at saka
CHAPTER 72 Life in London is lonely yet fulfilling. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na ang mga pinapangarap mo noon ay unti-unting natutupad. Pero malungkot dahil malayo sa pamilya at madalas ay mag-isa siya. Dumagdag pa na parang sirang-plaka na paulit-ulit dumadaan sa isip niya ang mga halakhak ni Shaun kapag ganitong malamig ang gabi at mag-isa siya.Nang hindi talaga siya madalaw-dalaw ng antok ay bumangon si Danica Shane at naghalungkat ng sleeping pills. Nagsisimula na kasi ang winter break kaya wala na siyang on-call tutorial side hustle sa mga bata. Halos lahat ay nasa bakasyon na sa kung saang-saang panig ng mundo. Halos lahat ng mga estudyante niya ay galing sa mayayamang pamilya. Ang iba nga ay kabilang mga Royal Family at pamilyang may Generational Wealth. Mabuti na lang, nasanay siya kay Shaun na ang ang pamilya ay may generational wealth din. Pagkainom niya ng sleeping pills ay kumuha pa siya ng wine na ibinigay sa kanya ni Devorah noong
CHAPTER 71 Sinabayan niya ang masayang tili ng kaibigan. Tapos na ang tawag ngunit ang laki-laki pa rin ng ngiti niya. Alas-kwatro pa lang ng hapon kaya paglabas niya Maxwell International School ay dumaan muna siya Farmer’s market para bumili ng mga gulay at prutas. Medyo malamig na klima ng London dahil magsisimula na ang winter season. ‘Mommy, when Mami and Dada brought me to Japan, we made snowman. Marunong ka gumawa ng snowman?’ ‘Bakit hindi po? Punta ka lang doon sa Japan na may snow. Sakay ka ng airplane.’ “I want to play with you in snow. I will skate in Snow.’ Ipinilig ni Dashi ang ulo para alisin ang dumadalaw na naman na mga boses ni Shaun. Huling balita niya kay Shaun, ay nagising na raw ito mula sa pagkakacoma at nagte-theraphy na. Noong isang taon pa iyon. Hindi na nagbanggit ulit si Tiya Rudy tungkol sa bata dahil nagiging emosyonal siya. Nagluluto siya ng hapunan nang tumunog ang kanyang cellphon
CHAPTER 70[VIOXX] TINAKBO NA NI VIOXX ang hagdan dahil ang bagal dumating ng elevator. Nakatanggap siya ng tawag mula sa Mommy niya na gising na raw si Shaun. Literal na gising na sa halip na ilang segundo lang katulad nitong mga nakaraan. “Vioxx!” sigaw ng Mommy niya nang makapasok siya sa VIP room. Kahit hinihingal siya ay isiniksik niya ang sarili sa mga nakapalibot na doktor at nurse sa hospital bed. Nakatingin lamang si Shaun sa mga ito, tila litung-lito kung nasaan. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nagtagal ang titig sa kanya. Maya -maya pa ay nanubig ang kulay asul nitong mga mata at kumurba pababa ang mga labi. “D-Da..” Uminit ang sulok ng kanyang mga mata. “D-Dad…” Shaun chocked on his words before finally crying. Lumipat siya sa mismong tabi nito para mayakap niya. Nagtuluan na rin ang kanyang mga luha habang paulit-ulit itong hinahalikan sa noo. Sa isip ni Vioxx ay bumabalik siya sa sanggol na Shaun.
CHAPTER 69 Natigilan ito, nakuha niya ang atensyon. Umayos ng upo at pinatay ang sindi ng sigarilyo. “Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman kung sino ako, hindi ba? Gusto ko ang ulo ng anak mo. Tinatarantado mo ba ako?” “Malinaw sa akin kung sino ka. Pinuno ng sindikato, kayang maglinis, kayang bumura. Wala ako dito kung hindi ko alam.” Inilabas niya ang larawan ni Gaston at ibinigay rito. “Ang gusto kong linisin mo. 200 million.” Humalakhak si Anton. “Anong akala mo sa amin? Pipitsugi?” “Dolyar.” Nawala ang halakhak nito at tiningnan ang ibinigay niyang larawan. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang sumandal sa couch. “Galing sa Political Dynasty. Kinakalaban kami.” “Bakit hindi mo ipatrabaho kay Rios? Hindi naman sikreto siya na may illegal din siyang mga ginagawa. P uta, set up ba ito?” “Rios’ mother is my wife’s sister. Ayaw kong malaman ng asawa ko na pinapatrabaho ko na iyan.” “Hindi nama
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 46 KUNG NASA SINDIKATO nga si Asher, malaking katangahan kung babanggain niya ito. Pero malaking katangahan din kung babanggain niya si Gaston lalo pa’t teritoryo ng pamilya nito ang probinsya nila. “Ayaw mo ba ng pagkain?” “Huh?” Napakurap-kurap si Danica Shane nang hawakan ni Vioxx a
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot







