ELIRA POVIsinara ko nang mahigpit ang pinto ng van pagkaakyat na pagkaakyat ni Zion. Narinig ko uli ang pamilyar na tunog ng automatic locks habang dahan-dahang umaabante si Azriel mula sa tapat ng elevator hall ng basement. Ramdam ko pa rin sa palad ko ang kaunting lamig ng hangin sa labas, pero habang pinapanood ko ang anak ko na pilit ipinapakita ang kaniyang gawa kay Azriel sa rearview mirror, unt-unting kumakalma ang sistema ko."Tito Azriel, look po o! Kulay blue and red po 'yung blocks na ginamit ko dun sa bubong!" masayang kuwento ni Zion habang tinuturo ang kaniyang drawing sa likod ng kaniyang art paper."Wow, Captain, ang galing naman. Pang-superhero talaga ang kulay," sagot ni Azriel habang maingat na iniikot ang manibela patungo sa matarik na ramp ng underground parking. "O, naitabi mo ba nang maayos ang dinosaur mo sa bag?""Opo! Sabi po ni Teacher Katrina, pwedeng maiwan 'yung iba kong crayons sa locker ko kasi may pangalan ko naman po doon uli," sabi ng bata sabay san
Read more