ELIRA POVNakatitig lang ako sa mga basag na piraso ng porselana sa sahig habang naririnig ko ang mabibigat na yabag ng sapatos ni Ramil papasok mula sa service door. Kasunod niya ang isang mas batang lalaki na may dalang ruggedized na laptop at ilang mga cable. Lumilikha ng banayad na ingay ang ulan sa labas, pero dito sa loob ng kusina, parang biglang huminto ang hangin. Sobrang lamig."Ma'am, huwag niyo po munang hahawakan ang phone niyo, ha? Hayaan niyo lang po si Sir Azriel," mahinahong sabi ni Ramil, pero bakas sa boses niya ang tensyon habang sumesenyas sa kasamahan niya na ilapag ang laptop sa ibabaw ng kitchen island.Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Azriel sa braso ko, pilit akong inilalayo sa mga kalat sa sahig. "Manang Melba, paki-asikaso muna si Zion sa itaas. Huwag niyo po muna siyang pabababain dito.""O-oo, Azriel. Sige, ako nang bahala sa bata," medyo nanginginig na sagot ni Manang habang nagmamadaling umakyat sa hagdanan.Sinalat ko ang mag
Ler mais