AZRIEL POV"Dahan-dahan lang sa pagkain, buddy, baka mabilaukan ka," sabi ko habang pinapanood si Zion na sumubo ng pancakes na niluto ni Manang Melba.Tumango ang bata, punong-puno ng syrup ang gilid ng labi niya. Habang pinupunasan ko 'yon gamit ang tissue, hindi ko pa rin maiwasang matitigan ang mukha niya. Limang taon. Limang taon kong isinumpa si Elira dahil akala ko tinalikuran niya ako para sa pera. Noong pinuntahan ko sila sa condo sa Mandaluyong, galit na galit ako. Pero nung marinig ko ang tungkol sa waiver, sa limampung milyon, at nung makita ko si Zion na sumungaw sa pinto ng kotse ni Gideon—parang gumuho ang mundo ko. Ang sarili kong pinsan, si Zander, binaligtad kaming dalawa. Ginawa kaming tanga. At ang mas masakit, hinayaan kong lumaki ang anak ko sa tago habang ako, nagpapakalunod sa trabaho sa Makati."Azriel, baka matunaw ang bata," mahinang bati ni Elira habang pababa ng hagdan.Naka-uniporme na siya ng kaniyang pormal na corporate attire—isang simpleng gray na bla
Last Updated : 2026-06-04 Read more