ELIRA POV"Mommy, look at my drawing! This is the big orange fish, and this is you, and this is Azriel po!"Iniabot sa akin ni Zion ang kaniyang sketch pad pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya. Pinilit kong itago ang panginginig ng mga kamay ko habang kinukuha 'on. Kulay orange nga 'yung isda, medyo tabingi ang pagkakaguhit pero kitang-kita ang effort niya. Sa tabi ng pond, may tatlong stick figures na magkakahawak-kamay. Kaming tatlo."Wow, love. Ang galing naman mag-draw ng baby ko. Ang taba nung fish, o," sabi ko, hinalikan ko siya sa ulo at mahigpit na niyakap.Sariwa pa rin sa isip ko 'yung mga salitang nakasulat doon sa papel sa loob ng box na dumating sa gate kanina. Magkita na lang tayo sa unang araw ng school ng bata. Habang nakasandal ang baba ko sa balikat ni Zion, hindi ko mapigilang manginig sa galit at takot. Akala ko talaga kanina, nung sinabi ni Azriel na may warrant na, tapos na ang lahat. Akala ko makahihinga na ako. Pero mas matindi pala ang kapalit. Kung nung nasa
Read more