ELIRA POV"Mommy, are we there yet?" pang-limang beses na yata na tanong ni Zion habang nakasubsob ang mukha niya sa glass window ng SUV. Kanina pa siya hindi mapakali mula nung lumapag ang eroplano sa NAIA, at mas lalo siyang nainip nung pumasok na kami sa C-5 road."Malapit na, love. Tumingin ka muna sa labas, o, ang daming matatayog na building," sagot ko habang inaayos ang kaniyang seatbelt. Medyo mainit na rin ang ulo ko, hindi dahil sa aircon ng sasakyan kundi dahil sa pagod sa biyahe. Iba talaga ang traffic sa Maynila kumpara sa maluwag na daan sa Samar. Nakakabaliw ang dagsa ng mga sasakyan dito.Tumingin si Azriel sa amin mula sa tabi ko. Naka-upo siya nang tuwid, hawak pa rin ang kaniyang tablet kung saan paminsan-minsan ay may binabasa siyang mga email o report mula sa opisina. Halatang bumalik na agad siya sa pagiging seryosong businessman, pero nung marinig niya si Zion, agad niyang ibinaba ang hawak niya at hinarap ang anak namin."Hey, buddy. Just a few more minutes, ok
Read more