Se connecterELIRA POV"Mommy, look at my shoes po! Umiilaw talaga!"Halos mag-echo ang boses ni Zion sa loob ng isang kilalang department store dito sa BGC. Paulit-ulit niyang itinatapik ang kaniyang kanang paa sa sahig para lang makitang gumagana ang asul at pulang ilaw sa gilid ng bago niyang sneakers. Napalingon ang ilang mamimili sa amin, pero imbes na mainis ay napangiti na lang sila sa kakulitan ng anak ko."Oo, love, nakikita ni Mommy. Pero huwag masyadong malakas ang pag-stomp, baka masira agad bago pa natin mabili," natatawang saway ko sa kaniya habang inaabot kay Kuya Gideon ang isa pang pares ng medyas na isusukat sana namin."Hayaan mo na, Elira. Ngayon lang naman ulit nakalabas nang ganito ang bata," sabi ni Kuya Gideon habang nakaluhod sa harap ni Zion para i-check kung may allowance pa ang dulo ng sapatos. Tumingala siya sa akin. "Tamang-tama lang 'tong size na 'to. May konting space pa sa may hinlalaki niya, hindi masakit sa paa kahit maglakad-lakad kami mamaya.""Sige, Kuya, 'yan
ELIRA POV"Mommy, can I bring my new tablet po sa mall?" tanong ni Zion habang nakadapa sa kama ko, winawagayway ang kaniyang mga paa sa hangin. Kasalukuyan niyang pinapanood ang isang cartoon show na naka-download doon, 'yung mga baging gamit na dumating kahapon galing kay Azriel."Huwag na muna, love. Iwan natin 'yan dito sa kwarto para hindi mo maiwan kung saan-saan mamaya," sagot ko habang nagtutupi ng ilang pirasong damit na isusuot namin para sa lakad namin bukas kasama si Kuya Gideon. "Tsaka bonding niyo 'to ni Tito Gideon mo, diba? Dapat nakikipag-usap ka sa kaniya.""Okay po, Mommy. I'll just hold Tito Gideon's hand po para hindi ako maligaw," sabi niya sabay gapang papalapit sa akin para yakapin ang bewang ko.Napangiti ako at hinaplos ang likod niya. Noong umalis si Kuya Gideon kagabi pagkatapos ng hapunan, parang nabawasan ng malaking tinik ang dibdib ko. Sobrang comforting na makita siyang maayos, at lalong nakakapanatag na malamang may mga guwardiya na ring nagbabantay k
ELIRA POV"Mommy, look! May malaking truck sa labas!"Napatayo ako mula sa sofa nang marinig ang sigaw ni Zion habang nakadikit ang mukha niya sa glass wall ng sala. Ibinaba ko muna ang tinitingnan kong brochure ng school sa BGC at lumapit sa kaniya. Sa malawak na driveway ng mansyon, may isang puting closed van na dahan-dahang umaatras. Kasunod nito ang sasakyan ni Azriel na kapapasok lang din mula sa opisina.Lumabas kami ni Zion sa may porch eksakto nung bumaba si Azriel mula sa kaniyang kotse. Naka-polo shirt siya na kulay navy blue at black slacks, medyo maluwag na ang pagkakatali ng kurbata niya na parang galing sa isang mahabang board meeting."Ano 'yan, Azriel?" tanong ko habang pinapanood 'yung dalawang lalaki na bumababa mula sa van, may dalang mga malalaking kahon."I ordered some stuff for Zion's room, tsaka mga baging study table at high-speed tablet na gagamitin niya para sa online assessments ng school next week," nakangiting sagot ni Azriel habang ginugulo ang buhok ng
ELIRA POVNakasandal ako sa gilid ng kitchen island habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Pinapanood ko si Azriel na seryosong nagbubukas ng mga makakapal na brochure na dinala ni Jojo kanina. Katatapos lang namin magmeryenda sa patio, at kahit paano, nakatulong 'yung pag-uusap namin doon para mabawasan ang kaba ko. Sobrang gaan din sa pakiramdam nung hinawakan niya ang kamay ko habang pinag-uusapan namin si Zander. Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya na gagawin niya ang lahat para sa amin at hindi niya kami hahayaang masaktan ulit. Ewan ko ba, sa kabila ng takot ko sa text message na natanggap ko kaninang umaga, unt-unti ko nang nararamdaman na ligtas talaga kami kapag andiyan siya."Elira, tingnan mo 'to," tawag sa akin ni Azriel, ipinatong niya ang tatlong catalog sa counter top. "This school in BGC has a really good preschool program. Sobrang higit ang security nila. May sarili silang RFID system para sa mga sasakyang pumapasok sa drop-off zone, at hindi pwedeng sunduin
AZRIEL POV"Azriel, dahan-dahan naman sa pagsubo kay Zion. Baka mabulunan, basa pa naman 'yan," saway sa akin ni Elira habang inaabot ang tissue mula sa tray na ibinaba ni Manang Melba sa lamesa dito sa patio."Gutom na talaga ang buddy natin, e. Akala mo isang oras lumangoy," natatawang sagot ko pero binagalan ko pa rin ang pag-abot ng cookie kay Zion. Naka-balot na siya ngayon ng malaking tuwalya, nanginginig pa nang bahagya ang mga balikat habang nginunguya 'yung chocolate chip cookie na gawa ni Manang.Pinanood ko si Elira habang pinupunasan niya ang likod ng leeg ni Zion. Medyo kalmado na siya ngayon kumpara kaninang umaga nung matanggap niya 'yung text ni Zander. Noong mga nakaraang araw pa sa Samar, habang nag-aayos kami ng mga maleta sa kwarto at nung huling almusal namin kasama si Lola, ramdam ko na ang bigat na dala-dala niya. Alam kong natatakot siya. Takot siya na baka pagbalik namin sa Maynila, maulit na naman 'yung nangyari limang taon na ang nakakaraan. Kaya nga nung na
ELIRA POV"Mommy, look at my goggles! Kasya na po ba?" tanong ni Zion habang pilit na isinusuot ang kulay asul na swimming goggles sa kaniyang ulo. Baligtad pa ito at halos maipit ang kaniyang kanang tenga, pero punong-puno pa rin siya ng excitement habang nagtatatalon sa gilid ng kama."Sandali lang, love, aayusin natin. Huwag kang malikot," lumuhod ako sa harap niya para ayusin ang strap ng goggles. "Oyan, sige na. Pero huwag ka munang tatalon sa pool hangga't wala si Azriel sa labas, okay?""Opo, Mommy! Wait ko po si Azriel doon sa tabing-tubig," sagot niya bago patakbong lumabas ng kwarto, bitbit ang kaniyang maliit na salbabida na may hugis ng pating.Nakahinga ako nang malalim habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin ng banyo. Naka-suot lang ako ng simpleng black na rash guard at board shorts. Simula nung matanggap ko 'yung text message ni Zander kaninang umaga, hindi na talaga ako naging mapakali. Bawat tunog ng kung ano sa labas ng bahay ay nagpapatayo ng balahibo ko. Kahit







