登入ELIRA POVDahan-dahan kong isinarado ang pinto ng kwarto ko at sumandal doon. Rinig ko pa rin ang mabibigat at seryosong hakbang ni Azriel palayo sa hallway, pababa patungo sa study room niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok nito, at hindi 'on dahil lang sa kaba mula sa korte kanina. Dahil 'on sa kaniya. Dahil sa paraan kung paano niya sinabing wala kaming pupuntahang dalawa ni Zion kundi sa tabi niya.Inilapag ko ang baso ng tubig sa ibabaw ng dresser at naupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa kawalan.Naalala ko uli 'yung mukha niya nung kausapin ko siya sa hallway kanina pagkaakyat namin mula sa garahe. Galit siya. O mas tamang sabihing, na-offend siya nung sabihin kong kailangan kong maging reyalistiko at maghanda para sa sarili kong direksyon pagkatapos ng kaso. Noong sabihin kong ayaw kong maging pabigat, kitang-kita ko kung paano nag-igting ang panga niya at kung paano lumalim ang boses niya nung lumapit siya sa akin. At habang pinapanood ko siya kanina sa
AZRIEL POVMula sa backseat ng SUV, pinanood ko ang dahan-dahang paggalaw ng trapiko sa C5 habang pabalik kami ng Forbes Park. Tuyo ang lalamunan ko, at ramdam ko ang bigat sa aking mga balikat matapos ang halos dalawang oras na tensyon sa loob ng courtroom. Sa tabi ko, nakasandal si Elira sa bintana, habang si Zion naman ay mahimbing na namang natutulog, ang kaniyang maliit na ulo ay komportableng nakalapag sa hita ng kaniyang ina.Inayos ko ang pagkakasuot ng aking relo at sumandal sa headrest. Tumingin ako kay Elira. Mukha siyang pagod, pero may bahagyang luwag sa kaniyang mga reaksyon kumpara kaninang alas-singko ng madaling-araw nung pababa kami ng hagdanan.Habang pinakikinggan ko ang mahinang ugong ng makina ng sasakyan, hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang lahat ng naging paghahanda ko nitong mga nakaraang araw. Ang akala ng marami, madali lang ang ginawa kong pag-asikaso sa kasong ito dahil ako ang CEO ng Monteverde Holdings. Pero ang totoo, bawat hakbang ko mula noong i
ELIRA POVNang ibaba ng judge ang kaniyang gavel, parang doon lang bumalik ang hangin sa baga ko. Narinig ko ang mabilis na pagliligpit ng mga papel ng legal team ni Zander sa kabilang panig. Umingay nang bahagya ang courtroom habang ang mga tao ay nagsisimula nang tumayo para lumabas."Salamat, Your Honor," pormal na pahayag ni Atty. Ramos bago humarap sa akin na may tipid ngunit siguradong ngiti. "We got the extension, Elira. Iyon ang pinakamahalagang setback na pwede nating ibigay sa kanila ngayon.""Salamat po, Attorney. Maraming salamat talaga," sagot ko habang dahan-dahang isinusuksok ang aking mga nanginginig na kamay sa bulsa ng aking cardigan.Lumingon ako sa gilid kung nasaan si Zander. Kasalukuyan na siyang itinutuon ng dalawang jail guards patungo sa back exit ng courtroom. Bago siya tuluyang makalabas, lumingon siya sa direksyon namin ni Azriel. Ang kaniyang mukha ay madilim, may halo pa ring hindi makapaniwalang galit dahil sa ginawang pagharang ng kaniyang sariling kuya
ELIRA POVNaramdaman ko ang lamig ng pawis sa aking mga palad habang nakatitig sa unahan. Umalingawngaw sa buong silid ang kalansing ng posas ni Zander nang maupo siya sa tapat ng kaniyang legal team. Ilang metro lang ang agwat namin. Saglit siyang lumingon sa direksyon ko, at ang kaniyang mga mata ay nananatiling mapanganib—puno ng galit at paninindigan na parang siya pa rin ang may hawak ng kapalaran ko."All rise. Court is now in session. Honorable Judge Severino Presiding," malakas na anunsyo ng clerk of court.Sabay-sabay kaming tumayo. Narinig ko ang marahang pag-urong ng silya ni Azriel sa likod ko. Kahit hindi ako lumingon, alam kong nakatayo siya roon na parang isang pader, nakabantay sa bawat galaw ng kapatid niya. Umupo ang lahat matapos pumwesto ng judge sa kaniyang mataas na silya."We are here for the pre-trial conference regarding Criminal Case Number 40512 for Child Abuse and Grave Threats, and the petition for the extension of the Temporary Custody Order filed by the
ELIRA POVMalamig at medyo madilim ang basement parking ng korte. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, sinalubong agad kami ng amoy ng lumang semento at gasolina. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Zion habang si Azriel naman ay agad na pinalibutan kami kasama ang dalawa niyang security personnel."Nasa itaas na si Ramos, Sir. Naghihintay sa tapat ng elevator ng Family Court," mahabang ulat ni Ramil habang pinapatay ang makina ng SUV."Mabuti. Jojo, bantayan mo ang likod. Melba, dumaan kayo sa service stairs kasama ang dalawang guards para dalhin si Zion sa holding room," mabilis at seryosong utos ni Azriel. Ang kaniyang boses ay echo sa tahimik na basement.Lumingon ako sa van na nakapark sa likod namin kung saan bumaba si Manang Melba. Mukhang kinakabahan din siya pero pinilit niyang ngumiti nang abutin niya ang kabilang kamay ni Zion."Zion, love, sama ka muna kay Manang Melba at Kuya Jojo, ha? May titingnan lang si Mommy at si Tito Azriel sa itaas. May cartoons doon sa kwarto," malu
ELIRA POVMalamig ang hangin na sumalubong sa amin sa labas ng porch. Sumakay agad kami sa likod ng malaking itim na SUV. Sa tabi ko, nakaupo si Azriel habang kalong ko naman si Zion na medyo inaantok pa uli at nakasandal ang ulo sa braso ko. Si Kuya Ramil ang nasa driver’s seat, seryosong nakatitig sa unahan habang inaayos ang kaniyang earpiece."Advanced team, anong lagay sa may C5 exit?" mahinang tanong ni Azriel sa mic ng kaniyang phone, hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palabas ng gate ng Forbes Park."Clear po, Sir. May kaunting build-up lang malapit sa Market Market pero tuluy-tuloy ang daloy. Walang nakatambay na kahina-hinalang sasakyan," sagot ng boses sa kabilang linya."Good. Maintain distance at huwag kayong hihiwalay sa lane namin," utos pa niya bago ibinaba ang phone sa kaniyang kandungan.Napatingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng kalsada na mabilis na naglalaho sa dilim ng madaling-araw. Sobrang
AZRIEL POV"Huwag mong hahawakan 'yan, Jojo. Iwan mo lang sa ibabaw ng mesa sa may porch," utos ko habang naglalakad kami palabas ng main door.Sumunod si Elira sa likod ko, bakas ang matinding takot sa mga mata niya. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na pumasok na lang muna siya sa loob ng kwarto
ELIRA POVNasa gitna kami ng pagkain ng tanghalian pero parang walang lasa 'yung sinigang na bangus na niluto ni Manang Melba. Ngumunguya ako, sumusubo, pero ang isip ko talaga ay nandoon sa Taguig—doon sa condo unit kung nasaan daw si Zander. Pakiramdam ko, bawat segundo na lumilipas ay may dalang
ELIRA POVHawak ko pa rin 'yung papel habang nakatayo kami sa gitna ng malawak na sala ni Azriel. Ramdam ko 'yung gaspang ng selyo ng korte sa dulo ng mga daliri ko. Warrant of Arrest. Naka-bold letters, seryosong-seryoso ang dating. Ilang taon ko ba 'tong hiniling? Ilang gabi sa Samar na umiiyak a
ELIRA POV"Mommy, look! I can finish my milk na in one go!"Natawa ako habang pinapanood si Zion na inuubos ang kaniyang gatas. Alas-siyete na ng umaga, at gaya ng nakagawian, maaga na kaming gising ni Zion. Iba talaga ang enerhiya ng bata kapag excited siyang pumasok sa bago niyang school. Ilang a







